Mahirap pumili na mapunta lamang sa pagsisisi. Hindi mo kayang mawala siya pero hindi mo rin kayang mabuhay nang wala ang isa sa kanila. Pipili ka pero darating pala ang araw na hahanap-hanapin mo siya. At habang nakikita mong may kasama siyang iba parang gusto mong ibalik ang alaala niyo at sabihing "Mali ba ako sa napili ko o talagang ibinigay sa akin ang oportunidad na masaktan?" Kung papipiliin ka , sinong pipiliin mo ? Bestfriend mong nandyan na nagmamahal sayo o boyfriend mong mahal na mahal mo pero may mahal nang iba na kilala mo rin pala ?