Story cover for MU Series: The Shrewd Gangster by moralesjab011
MU Series: The Shrewd Gangster
  • WpView
    Reads 290
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 13
  • WpView
    Reads 290
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 13
Ongoing, First published Mar 08, 2023
Makulit, pilyo, mabait pero nakakatakot magalit. Ganyan kung ilarawan si Thunder ng mga taong malapit sa kanya. Ngunit sa kabila ng mala-gangster image nito, ay isang nangungulilang binata. 

Noong kabataan, madalas siyang i-bully dahil sa kahirapan, at kawalan ng ama. Ngunit ang kabataan ni Thunder ay nagkakulay nang makilala niya si Elaine. Isang matapang, ngunit napaka-cute na batang babae. Ito ang naging tagapagtanggol niya at nagturo sa kanya na lumaban sa buhay. At napamahal siya rito.

Subalit kaagad ding natuldukan ang pagkakaibigan nila nang umalis si Elaine papuntang China. Nalungkot si Thunder sa pag-alis ng kaibigan. Pero hindi na siya na-bully pang muli. Siniguro niyang hindi siya mapapahiya kay Elaine sa oras na magkita silang muli.

At nangyari nga iyon, pagpasok ni Thunder sa Montecillo University. Pero hindi naman niya magawang lapitan ang dating kaibigan ng dahil sa hiya at takot na hindi na siya kilala nito.
Hanggang sa nalaman niyang nakatakda na itong ikasal, sa dating nang-bully sa kanya at ngayon ay lider na ng isang gang.

May magagawa pa ba si Thunder para maipagpatuloy ang pag-ibig niya para kay Elaine? Mapipigilan ba ni Thunder ang masamang plano ng gang ng dating kaaway? Ano ang gagawin ng The Shrewd Gangster?
All Rights Reserved
Sign up to add MU Series: The Shrewd Gangster to your library and receive updates
or
#32universityseries
Content Guidelines
You may also like
Everything that Falls gets Broken by it_girl30
63 parts Complete
Nasaktan ka, pagkalaunay masasaktan din siya. Vice versa lang ika nga. Ganun naman kasi yun eh, kung sino ang nahulog at hindi sinalo, siya yung talo. Kung sino pa yung nangwasak at nang agrabyado, sila pa yung panalo. Ang mahirap lang minsan, kung sino yung nanalo pwede ding bumagsak at matalo. Dalawang tao na nahulog at kapalit ay ang masaktan. A girl who use to be a kindhearted one sa lahat ng taong nakakasalamuha niya, but how can she control her feelings kung unang kita niya palang sa lalaking ito ay nabihag na ang puso niya? Ngunit, mapaglaro nga siguro ang tadhana at ang akala niyang totoong pag ibig ay laro lang pala. Nagpakatanga siya, nasaktan siya. Nagpakatanga ulit, nasaktan parin siya. Nagpakatanga ng paulit-ulit, nasaktan nanaman ulit kaya napagod na. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar kaya siya ang kusang bumitaw para bigyan ng hangin ang puso niyang naghihingalo. A boy who use to hate people simula ng masaktan siya, it sounds so over reacting pero yun ang nararamdaman niya. But when this girl came, nag iba ang timpla niya. Tinangggap niya ang isang laro na alam niyang mananalo siya. Pero isang pagkakamali niya lang, nawala ang lahat at doon lang siya nagising, natauhang kailangan niya ang babaeng iyon. Hinanap niya pero hindi na kailanman nagpakita. Natalo siya. Ngunit paano kung bigla niya itong nakita pero hindi na ito katulad ng dati. Hindi na ito katulad ng dati na nagpakatanga sa kanya. Hindi na ito katulad ng dati na kilala siya. At lalong hindi na ito ang babaeng mahal na mahal siya. Would he give up? Or ipagpapatuloy niya ang paghahabol? Paano kung iba na ang mahal nito? May magagawa pa kaya siya para maibalik muli ang puso ng babaeng minsan na siyang minahal? Babalik kaya sila sa pagkahulog sa isa't isa? Yung tipong totoo na, walang masasaktan at sinasalo na ang bawat isa mula sa pagkahulog nila?
Revenge Lover (Tagalog Completed) by markivan_balmes
38 parts Complete
Si Mylene ay isang babaeng palaban, kaya hindi siya kayang apihin ng mga kaklase niya lalo na ang dalawang antagonist sa kuwentong ito. Nanggaling naman sa mayamang pamilya si Axelle, anak ng successful na businessman. Leader din siya ng sikat na grupo, tinawatad na K-Brothers. Arogante at mataas ang tingin sa sarili. Pero may isang babae (Mylene) ayaw siyang sambahin at igalang. Kaya nagplano siyang ligawan ang babaeng ito at paibigan. Kapag dumating ang araw na ibig na ibig ang babae sa kaniya, tsaka niya hihiwalayan para ipamukha sa babae, hinding hindi dapat binabangga ang isang Axelle Maldrid lalo na sa gaya niya. Pero mapagbiro tadhana. Siya ang napaibig ng babae. Siya rin ang sinaktan ng babae. Matapos ang lahat ng ilang araw na pagluluksa sa ginawa ni Mylene sa kaniya. Nagplano ulit siyang paibigin ang babae, bago siya pumunta sa ibang bansa. Kailangan magtagumpay daw siya para maramdaman ng babae ang sakit na nararandaman niya nang iwan siya ng babae. This time, tagumpay ang paghihignti ni Axelle. Sobrang nasaktan si Mylene sa ginawang panlilinlang, pang-iikot at pagsisinungaling ni Axelle. Nang araw na siya ay aalis na, may dumating na isang bagay na nagpa-realize sa kanya, kung gaano niya kamahal si Mylene. Ang bagay na ito ay tunkol sa sagradong pangako niya kay Mylene. Dahil sa bagay na yun, hindi siya tumuloy sa ibang bansa. Pinuntahan niya si Mylene sa apartment para humingi ng tawad ngunit wala roon si Mylene. Sinugod siya sa ospital dahil may taong naglason sa kanya, taong gusto siyang patayin. Lalo tuloy nakonsensya si Axelle. Kung nasa tabi lang siya ni Mylene, hindi mangyari ang pagtangkang pagpatay kay Mylene. Genres; Romance, Revenge, Crime, Teen Fiction, Friendship, Drama
You may also like
Slide 1 of 10
The Last Dance cover
I Married The Big Boss  cover
Springtime Remembrance cover
Everything that Falls gets Broken cover
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓ cover
Revenge Lover (Tagalog Completed) cover
Like Them (Completed | GxG) cover
The Love Story of Confused Elly by fishy (EDNHEL C. AQUINO) cover
THE MISCHIEVOUS 2: Mastermind cover
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) cover

The Last Dance

10 parts Complete

Ang sabi nila, sa anumang social occasion, pinaka-memorable ang last dance. At plano ni Maggie na siya ang maging last dance ng bestfriend at matagal na niyang secret love na si Phil sa kanilang college graduation ball. Ang kaso, gaya sa mga teleserye, may kontrabida nang gabing 'yon na bumulilyaso sa plano niya. Umuwi siya tuloy na luhaan. At ang malala, napaamin siya kay Phil tungkol sa tunay niyang nararamdaman para dito. Kaso mukhang the feeling is not mutual, dahil mula noon, umiwas na nang tuluyan si Phil at hindi na nakipag-usap pa sa kanya. Six years later, muli silang nagkita. At ang nakakainis, kinukulit siya nito sa utang niya na hindi naman niya maalala. Plano niyang iwasan na lamang ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya kahit pa mas guwapo na ito ngayon at mas irresistible. Kumbinsido ang isip niya na madali lang naman niya iyong magagawa dahil naka-move na siya. Wala nang epekto si Phil sa kanya. Wala na talaga. Pero... kung ang puso niya ang tatanungin, wala na nga ba talaga?