THAT ONE TIME I MET BRAYDEN JACKSON
  • Reads 7,441
  • Votes 488
  • Parts 101
  • Reads 7,441
  • Votes 488
  • Parts 101
Ongoing, First published Mar 09, 2023
Brayden Jackson.

Iyon na yata ang pinakasikat na pangalan sa Pritil. Kilala ng lahat at talagang pinagkakaguluhan ng mga babae at mga binabae sa kanilang lugar. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa pamangkin na iyon na Aling Marina? Guwapo na, may pinag-aralan at tila hulog ng langit sa kabaitan. 

Maging si Aymee ay may lihim din na pagtingin sa binata. Ngunit dahil mas mahalaga sa kaniya ang pag-aaral, minabuti niyang huwag na lamang makigulo sa mga babaeng may pagtingin din dito. Nakuntento na lamang siya sa pagsilay sa binata sa paminsan-minsang pagbili nito sa tindahan na kaniyang binabantayan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, isang hindi kilalang numero ang tumawag sa kaniya. At ang mas nakagugulat pa ay boses iyon ni Brayden, pinapupunta siya sa lumang lighthouse ng Pritil. Sa kaniyang pagkabigla, hayun si Brayden. Dala ang kaniyang paboritong bulaklak, walang pag-aatubili siyang binigyan ng isang mabilis na halik sa labi, at nagtapat sa kaniya ng pag-ibig. Ngunit kinabukasan ay tila bigla itong naging ibang tao, at bigla na lamang nawala...

Nalaman na lamang niya kay Aling Marina na uuwi na ito sa Amerika, upang ipagpatuloy roon ang kolehiyo nito. Naiwan siya ng biglaan, at doon niya napagtanto na ang halik na ibinigay nito ay halik ng pamamaalam. At lumipas ang mga araw, mga buwan, taon... wala na ang mga babaeng halos araw-araw na nag-iiwan ng regalo rito.

Hindi na maingay ang pangalang Brayden Jackson.

Ngayong ilang taon na ang lumipas, nagising na lamang si Aymee sa maingay na kumosiyon sa labas ng tindahan. At nang buksan niya ang bintana ng kaniyang kuwarto, ang mukha ni Brayden sa kabilang teresa ang agad niyang nakita! Hindi lamang iyon, wala na ang mala-anghel nitong ugali. He is now a rude, annoying womanizer. Hindi na ito ang Brayden noon. The past years have changed him.

Matuloy pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan, kung tila hindi na naaalala ng binata ang ginawa nitong panggugulo sa kaniyang puso at isip bago ito umalis noon?
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add THAT ONE TIME I MET BRAYDEN JACKSON to your library and receive updates
or
#365heartbreak
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Ang Mutya Ng Section E cover
It's my thorn (R-18) cover
Someone Forbidden cover
Señorita cover
Ang Mutya Ng Section E (Book 2) (Coming February 7) cover
Ruling The Last Section (Season 3- Final) cover
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell) cover
ORGÁNOSI I: Broken Mask cover
THE BROKEN SOUL'S PLEA cover
Ang Mutya ng Section E (Book 3) cover

Ang Mutya Ng Section E

131 parts Complete

Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya? Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?