Dont give up on us (completed)
It's about Love, Trials, and Jealousy.
What if you fall in love with a professional doctor?
Possible kayang ma-fall in love din ang isang doctor sa isang simpleng barista sa isang coffee shop? Lalo na kung kagagaling lang niya sa isang masakit na breakup at hindi pa siya handang magmahal muli?
Paano kung sa simpleng pagkikita at mga ordinaryong araw, unti-unti niyang makita sa barista ang taong magpaparamdam sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang hinahanap?
Pero paano kung sa oras na nagsisimula na siyang muling maniwala sa pag-ibig, biglang bumalik ang taong minahal niya nang tatlong taon?
Tatanggapin pa ba niya ang taong minsan niyang minahal nang sobra?
O pipiliin niya ang isang bagets na halos labindalawang taon ang agwat sa kanya, pero siyang unti-unting nakapagpagaan ng puso niyang nasaktan?
Sa pagitan ng nakaraan at bagong pag-ibig, sino ang pipiliin niya?
At hanggang saan kayang dalhin ng pag-ibig, pagsubok, at selos ang dalawang taong hindi naman dapat nagkakilala-pero ngayon ay parehong ayaw nang mawala ang isa't isa?
Sometimes, love comes when you least expect it. But when the past comes knocking, will you still choose the love you have now?