MATURE CONTENT: Read at your own risk! ---------- DELUBYO. 'Yong ang depinasyon ni Laica sa uri ng naging buhay sa kamay ng ganid niyang Tiyahin at Tiyuhin, at bastos nilang anak. Nalaman niyang pinatay ng mga ito ang mga magulang niya para masamsam ang mga ari-arian nila na pilit inaangkin ng mga ito. Hanggang sa bigla na lang may pumasok na mga armadong kalalakihan sa mansion nila at sapilitan siyang kinuha. Paano siya makakatakas ngayon sa trabahong pagbebenta ng katawan ang labanan? At paano kung kailan ubos na ang diskarte niya saka naman dumating ang lalaking kinaiinisan niya na si Kevin Sarmiento para sagipin siya? Ngunit kung kailan lumambot ang puso niya at nahulog ang loob dito saka naman ito biglang naglahong parang bula. Hanggang sa lumipas ang dalawang taon at muling nagkrus ang landas nilang dalawa sa lugar na hindi niya inaasahan. Ano ang gagawin niya ngayon kung pinapapapatay ito sa kanya? Makakaya niya bang iligpit ang lalaking mahal na mahal niya at ama ng kanyang anak, o isasakripisyo niya ang buhay nilang mag-ina kapalit sa pagsuway niya sa utos ng Boss niya?