MATURE CONTENT: Read at your own risk! ------------ Mia was the result of a mistake. Ipinaampon siya ng kanyang ina sa bestfriend nito bago nito kinitil ang sariling buhay. Lahat ng klaseng pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalaga pati mga materyal na bagay ay ibinibigay sa kanya. Ngunit kailanman hindi siya nagkaroon kahit isang kaibigan kaya malimit siyang tumambay mag-isa sa gilid ng batuhan sa dagat malapit sa mansion nila. Hanggang sa nakilala niya si Liam, ang batang bukod tanging nakipaglapit sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay naging palagay ang loob nila sa isa't-isa. Ang dalampasigan na 'yon ang naging saksi ng pagkakaibigan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na kinailangan niyang umalis. Pupunta na sila ng States at doon na titira. Paano niya panghahawakan ang pangakong hahanapin siya nito't pakakasalan kung batang musmos lamang ang nagsabi no'n? At paano kung may isang Richard Del Valle na kung makaasta akala mo'y pag-aari ka niya? Tinutuo ang pagpapanggap niyong dalawa bilang mag-asawa? Kung kailan naibigay niya na sa iba ang buong tiwala't sarili niya saka niya naman aksidenteng muling nakita si Liam na may kasama ng iba. Ano ang gagawin niya ngayon kung hinihingi na nito ang kamay niya? At paano kung engaged na siya sa iba? Sino ang pipiliin niya sa dalawa? Ang lalaking mahal niya na inakala niyang may mahal ng iba or ang lalaking hindi siya sigurado kung mahal ba talaga siya?
13 parts