Tumawid kami ng kalsada, at sa wakas, narating na namin ang destinasyong napagpasyahan naming puntahan matapos ang cool off namin nitong nakaraang tatlong buwan.
"Ngayon ko lang na-realize," sabi niya. "Ang weird na dito táyo unang nagkita."
"Pero at least memorable, 'di ba? What are the chances that two people would choose kilometer zero as the place for their first date?"
Natawa siya. "I know! Kayâ nga pati taxi driver ko no'n, nagtataka kung bakit dito ko na-pin. Sobrang awkward!"
Pareho kaming napalingon sa Centennial Clock. Ginalaw nito ang mahaba nitong kamay-nagpapaalalang oras na ng paghihiwalay ng aming mga landas.
"Ala una na," sabi ko. "I guess this is it."
"Yeah, this is it. Hug?"
"'Wag. Baka hindi kitá mapakawalan."
"Okay."
Natahimik kami at piniling panoorin ang matiwasay na pagwagayway ng watawat sa kabiláng bahagi ng Luneta. Hindi namin matanto kung papaano maglalaan ng hulíng sulyap sa isa't isa.
***
Si Josue Mapagdalita, pinanganak noong 1996 at isang Libra ay hindi naniniwala sa horoscope.
Natuklasan niya na may kaunting talento palá siya sa pagsusulat noong pinuri ng guro niya sa elementarya ang mga sanaysay at maiikling kuwento niya. Mula noon ay hinasa niya ang kanyang pagsusulat. Hanggang siya ay maging corporate slave.
Nagtapos siya ng political science sa Unibersidad ng Pilipinas-for the clout.
Mula sa Kilometer Zero ang kanyang unang koleksiyon ng mga kuwento. At sana hindi pa ito ang hulí dahil lang tamad siya maglakad at bumiyahe.
Maaari siyang sundan sa kaniyang social media accounts:
Facebook: j.mapagdalita
Instagram: @josue.mapagdalita
TikTok: @josue.mapagdalita
Wordpress: https://josuemapagdalita.com/
Wattpad: @josuemapagdalita