Mabuting ama si Tatay Islao. Isang malagim na gabi ang gumimbal sa buong Barrio na siyang sinapit ng mag-anak. Kababalaghan na nangyari sa kanilang payak na tahanan na hindi maintindihan ng sinuman. Samahan si Isko upang tuklasin ang sanhi sa likod ng karumaldumal na kamatayan ng isang magiting, mabuti at mapag-mahal niyang lolo, si Tatay Islao.