Ang koleksyong ito ay para sa mga taong nagpapakatanga (aw), natatanga (aw aw), nagpapakamartir, in love atm, mga taong halos mangisay lagi kapag kinikilig, mga taong naniniwala at hindi naniniwala sa forever, mga taong natatae kapag nakikita ang kanilang pag-ibig at kung anu-ano pang mga nararamdaman ng mga tao na pwedeng pagwhogoatan. Huwag kayong mag-alala, sisiguraduhin kong hindi kayo makakalabas ng librong ito nang wala kayong natututunan.