Architect Mary Jane Bueno, isang modernong babae mula sa taong 2023. Gusto niya man isabuhay muli ang disenyong katulad ng ancestral house nila noon, katulad ng gusto ng kaniyang yumaong lola hindi na rin kaya dahil sa mga makalumang materyales na kailangan. Nagpatayo na lang siya ng rest house para magsilbing bahay bakasyunan niya at ng pamilya niya. Bagong disenyo, bagong alaala-pero hindi pa rin kayang palitan ang mga alaala noong bata pa siya na hindi niya naman alam kung saan nagmula.
Sa unang gabi ng pagtira niya, hindi na agad siya pinatahimik ng mga guni-guni niya. Sa isang kurap ng kaniyang mga mata, namalayan niya na lang na nasa taong 1886 na siya bilang Juana Maria Alcaraz-Morales-ang mahinhin, mapagmahal at maunawaing babae, kabiyak ang panganay na anak ng tanyag na negosyante sa bayan ng Rosario na si Don Alejandro Morales na si Ginoong Alvaro.
Sa buhay bilang isang Juana Maria, mararamdaman niya ang alimpuyong puso ni Juana Maria sa taon kung kailan sabay-sabay niyang naranasan ang kasawian, labis na kapootan, walang katapusang kagalakan, 'di maipaliwanag na paghanga, pighati at ang pag-ibig na 'di lihim subalit hindi masuklian.
Alimpuyong Puso by Andrea Cornilla
#AndreaCornillaAlimpuyongPuso