Story cover for Goth City by izoyafhe
Goth City
  • WpView
    Reads 3,900
  • WpVote
    Votes 1,013
  • WpPart
    Parts 24
  • WpView
    Reads 3,900
  • WpVote
    Votes 1,013
  • WpPart
    Parts 24
Ongoing, First published Feb 27, 2015
Isang dalagang, ang pagmamahal lang sa kanyang ina at ama at saka ang taong mahahalaga sa kanya lang ang kanyang maipagmamalaki. Naiwan siyang bigo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa may dapat siyang gawin para sa isang tao upang ang kanyang mga katanungan ay makikitaan ng karampatang kasagutan. Subalit kailangan niyang harapin ang kinakatakutan at maging handa sa sakripisyo. Kaya niya bang suungin ang panganib na maari niyang madaanan? Samahan natin si Blythe sa kanyang pakikipagsapalaran sa loob ng syudad na tinatawag na, Goth City.
All Rights Reserved
Sign up to add Goth City to your library and receive updates
or
#58fashion
Content Guidelines
You may also like
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) by BambieWp
12 parts Complete
Si Shermaine Gutierrez, isang matabang babae na hinahangad lang na tanggapin siya ng lahat. Sa buong buhay niya, lagi na lamang siyang pinapahirapan maging ng mga kamag-anak nito. Kaya, naisip na lamang niyang umalis at mapag-isa. Mas ginusto niyang manirahan malayo sa mga magulang niyang pati siya ay hindi matanggap-tanggap dahil sa kaanyuan nito. Ipinagpapasalamat naman niya na kahit gaano pa kasama ang kapalaran sa kaniya, nariyan pa rin ang kanyang long time bestfriend na si Andrei na lagi siyang ipinagtatanggol sa mga taong patuloy siyang sinasaktan. Ngunit, dumating ang pagkakataon na umibig si Shermaine. Ang pag-ibig na hindi niya aakalaing darating pa sa kanya. Ni hindi nga niya akalain na magugustuhan siya nito. Kaya, ipinaubaya niya ang puso niya rito. Pero, hindi niya alam na may isa pang nagmamahal sa kanya nang palihim. Ni hindi niya alam na mas nasasaktan ang taong iyon kapag ang bukambibig niya ay ang lalaking minahal niya. Dumating ang panahon na nasaktan ang dalaga. Akala niya ay sasaya na siya sa pag-ibig na kanyang naramdaman. Akala niya, solusyon na ang pag-ibig sa paghihirap niya. Pero, nagkamali siya, dahil ang pag-ibig pala mismo ang rason kung bakit siya naghihirap ngayon. Pero, paano na lamang kung bumalik ang lahat? Makakaya pa ba ni Shermaine na ipaubayang muli ang puso sa kabila nang sakit na naranasan niya? O, hahayaan na lamang niya ang sarili na maging manhid at hindi na muling umibig? Makakaya pa kaya niya ang magmahal? Ikaw, makakaya mo pa ba?
A war with the Tycoon by Theblackwdow
88 parts Complete
Cristina Sabordo. Nagtatrabaho bilang isang consultant sa isang maliit ng firm sa Maynila. Naging independent siya sa kanyang sarili nang malayo siya sa kanyang pamilya. Nagmahal, Pinangakuan. Iniwan, Nasaktan, Nagbago... Pain changed her life. Simula ng matutunan niyang kalimutan ang lalaking nagdulot sa kanya ng walang hanggang sakit ay nalaman niyang walang kabuluhan ang pagmamahal na meron siya rito. Pano niya haharapin ang bawat araw sa kanyang buhay kung sa kanilang pagkikita ng taong nanakit sa kanya noon ay siya naman pagpupursige nitong makuha siyang muli. Kaya niya bang magpatawad at magbigay ng ikalawang pagkakataon? Makakaya niya bang makalimutan ang lahat ng masasakit na sandaling kanyang hinarap nung mga panahon iniwan siya nito at pinagpalit sa iba? Pano niya tatanggapin ang katotohanan ang lalaking nagtatangkang pumasok sa kanyang buhay ay may anak na sa iba? Nilo Buenaventura. A man without mercy, Tyrant, Malevolent, Maleficent, evil, caveman, handsome, hot billionaire who still in love with the woman on his past. Pano niya maipapanalo muli ang puso ng babaeng minsan na niyang nasaktan at iniwan? Kaya niya bang baguhin ang naging pananaw nito sa kasalukuyan? Ano ang kanyang gagawin para mapatunayan rito na tunay ang kanyang pagmamahal? Are they're love story deserve a second chance? Is there any way that he can turn back there once upon a time? A war with the tycoon. Isang kwentong magbibigay ng aral tungkol sa tunay na kahulugan ng pagmamahal.. Kwento ng dalawang taong handang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan sa mundo. Is the pain worth enough to continue what was left? A war with the tycoon All rights reserved.
You may also like
Slide 1 of 9
Killua, My Bodyguard. cover
Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing) cover
HELL UNIVERSITY cover
Elewarts Academy cover
He's A Ghost (COMPLETED) cover
GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro  cover
Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH) cover
THE MASTER AND THE SERVANT (Completed) cover
A war with the Tycoon cover

Killua, My Bodyguard.

5 parts Ongoing

Sa kabila ng makulay na mundo ng pulitika at kapangyarihan na ginagalawan ni Cyndie Heather, hindi madali ang kanyang buhay. Ang pagkawala ng kanyang ina ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kaniya at sa kanyang ama. Ang sakit at lungkot ay nag-iwan ng matinding puwang sa kanilang pamilya, kaya't naging mas maingat at protektibo si Prime Minister Roger Heather sa nag-iisa niyang anak. Ngunit isang hindi inaasahang insidente ang nagbunsod upang kumuha si Roger ng tagapagbantay para kay Cyndie-si Killua, isang taong bihasa at sanay sa mundo ng panganib. Sa unang tingin, tila magkasalungat ang kanilang mga mundo. Si Killua, na mula sa isang angkan ng mga assassin, ay tila simbolo ng karahasan at misteryo. Samantalang si Cyndie, na lumaki sa isang maselang mundo ng diplomasiya at pamumuno, ay isang larawan ng kabutihan at pagiging maayos. Ngunit sa likod ng kanilang magkaibang personalidad, dahan-dahang mabubuo ang hindi inaasahang koneksyon. Habang dumarami ang mga hamon sa kanilang buhay, kasabay ng mga lihim na unti-unting nabubunyag, masusubukan ang kanilang katatagan at tiwala sa isa't isa. Anong mga tuklas kaya ang magbabago sa direksyon ng kanilang kwento? Ito ba'y magdudulot ng bagong simula, o isa lamang babala ng paparating na sakuna? Unti-unti nilang mararanasan ang mga kaganapan sa ibang mundo na magdadala sa kanila ng pananaw na hindi nila inakala.