Si Yurika Hernandez ay isang sikat na modelo at fashion designer na nasa rurok ng kanyang tagumpay. Matapos ang kanilang victory party, nagdesisyon siyang bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang upang magpahinga. Ngunit paggising niya kinaumagahan, isang hindi kapani-paniwalang pangyayari ang gumulat sa kanya-ang repleksyong nasa salamin ay hindi ang kasalukuyang siya, kundi ang labing-anim na taong gulang niyang sarili.
Lalo siyang naguluhan nang mapansin niyang nagbago rin ang kanyang silid-parang bumalik ito sa nakaraan, pati na rin ang kalendaryong nakapaskil sa pader na nagpapakitang nasa taong 2017 siya.
Paano ito nangyari? Ano ang dahilan ng kanyang biglaang pagbabalik sa nakalipas? At higit sa lahat, may kailangan ba siyang baguhin, o may nakalimutan ba siyang gawin? Sa pagitan ng misteryo at realidad, kailangang harapin ni Yurika ang kanyang nakaraan upang mahanap ang sagot sa hindi maipaliwanag na time travel na bumalot sa kanyang buhay.
DISCLAIMER:: The author's names for the characters, places, and events in my stories/contents are entirely fictitious and have nothing to do with any living or deceased person.
(May you encounter typographical and grammatical error.)
COUPLE SERIES #1 |Part 1|
Kung pinagbigyan ka ng isang pagkakataon para maitama ang pagkakamali mo, pipiliin mo bang bumalik sa nakaraan?
Si Pamela Rhayne D. Sanchez ay kilala bilang isang Engineer at pinadala sa kompanya kung saan, hindi niya inaasahang makikita roon ang dating asawa. Hindi bilang isang empleyado, engineer, o CEO - kundi bilang isang trabahador.
Pero bakit nga ba sila naghiwalay? Bakit pinagsisihan na niyang pinakasalan pa ito? Dahil nga ba sa estado sa buhay o dahil sa natuklasan nito?
Ngunit hindi lang iyon ang problema kung bakit gusto niyang bumalik sa nakaraan.
Kaya kung may time machine lang talaga para makabalik, hindi siya magdadalawang isip na piliin iyon. At sa pagbalik niya, sisiguraduhin niyang hindi na sila magkikita pang muli ni Ismael Sergio Y. Hidalgo.
Pero paano kung mapagbigyan nga siya sa hiling at bumalik sa edad na anim, ano kaya ang puwedeng mangyari?
Sa batang edad niya, tuluyan na nga bang makakalimot ang puso sa sakit? Hihilom na ba talaga ang sugat nito o mas lalo lang itong magdurugo?
Date Started: 01/06/2023
Date Ended: 03/04/2023
This story is written in Tagalog and English
Highest Rank: #1 in time travel (03/17/2023)
#7 in romance (06/27/2023)
#1 in time machine (12/13/2023)