Sa Sitio Iglesia, isang bayang malayong malayo sa kabihasan, nagsimula ang kwento ng isang batang babaeng sawang-sawa na sa pamamalakad ng kanyang komunidad. E- ano ba naman? Mula sa mga ipokritang mga nakatatanda't isang diktador na pinuno, kaya pa ba n'yang harapin ang mga kawalang-hiyaang sisto na bumabangungot sa kanya mula pa ng kanyang pagkabata. Sundan natin si Iris, kasama ang kanyang kaibigan na si Penduko, na takasan ang masalimoot na bayan ng Sitio Iglesia habang tinatanaw ang galimgim ng nakaraan.