Nakaligtas ka nga sa teenage pregnancy hindi ka naman nakatakas sa pagiging tuyong tita. Alone but not lonely. Yan ang palaging isinasagot ni Lurraine Celeste sa tuwing napapag-usapan ang pagiging single niya. Siya na lang ang natirang No Boyfriend Since Birth sa magbabarkada, ayaw man niyang ipakita pero minsan ay naapektohan pa rin siya sa pressure ng society sa mga gaya niyang hindi makahanap ng makakarelasyon. Pero dapat nga ba yong hanapin? hindi ba pwedeng natraffic lang ang taong para sa kanya? Naniniwala parin siyang ang taong para sayo ay darating ng hindi mo inaasahan, kaya nang magising siya isang umaga sa tabi ng kaibigan niyang si Dylan Ramirez ay halos hilingin niya sa lahat ng Santo na lumubog na siya sa lupa. Si Dylan Ramirez na mula highschool ay kaibigan na niya, ang lalaking palagi niyang kasama, at ang taong nasa paligid lang niya at ngayon ay kinukulit na siyang panindigan niya ang nangyari sa kanila. Paninindigan ba niya si Dylan? o si Dylan ang maninindigan para sa kanilang dalawa. Subaybayan!