"Tara Elza, sali ka sa laro namin." Tinatawag ko siya mula sa nakabukas na kabinet. Malungkot lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Sino ba tinatawag mo?" Napatawa ang mga kalaro ko nang ulit kung tawagin ang batang babaeng nakasilip lang sa madilim na kabinet. "Ayon oh." Tinuro ko ng daliri ang batang nasa loob ng kabinet, "'di n'yu ba nakikita ang batang 'yan? Parang umiiyak oh." Dagdag ko pa sa kanila. "Saan?" Nagtatakang tanong ng isa. Maslalong nagtawanan ang ibang kalaro ko ng pilit kung pinagpipilitan na naroon si Elza nakadungaw ng tingin sa loob ng madilim na kabinet. "Mga bulag ba kayu? 'Di n'yu ba talaga makita?" Tinuro ko ng paulit-ulit ang batang malungkot na sa amin nakasilip. Sa edad kung Walo, madalas ay nakakakita na ako ng iba't ibang uri ng nabubuhay dito sa mundo. Hindi ko ito ulit pang sinabi sa kahit kanino ang mga nakikita ko dahil sa natatakot na din ako na baka tuloyan na nilang katakotan ang batang kagaya ko. "Gan'to kasi gawin mo! Hindi gan'yan." Hinawakan ko ang laroang eroplano saka pinalutang sa hangin gamit ang kaliwang kamay. Dirikta lang siyang nakatingin sa akin, parang bang namamangha sa ginagawa ko. Hawak ko at ramdam na ramdam ng kamay ko ang panglalamig na kaniyang mga daliri bago ipinatong sa laroang eroplano. "Hawakan mo lang kasi dito sa taas, tapos igalaw-igalaw mo." Ang malungkot niyang mukha ay biglang may lumitaw na kaunting ngiti. " Yehey. Ang galing mo Elza-" Biglang nahulog mula sa ere ang laroang hawak niya ng pumasok si Mom sa kwarto kung saan kami ni Elza naglalaro. "Mag isa ka nanaman diyang naglalaro Anak." Saad ni Mom bago ako binuhat mula sa kama. Hinarap ko sa likod ang ulo. Muling tinignan ang madilim na nakabukas na kabinet. Mula doon sa madilim na kabinet, kitang-kita kung bumalik ang mga lungkot sa mukha ni Elza nalang silipin nito kaming papalayo.All Rights Reserved
1 part