Kuwento ng limang estudyante na kumuha ng program na Accountancy sa isang university sa pamamagitan ng Scholarship program. Si Yuri Miranda, bata pa lamang ay lumaki na di kasama ang kanyang Ina dahil sa masamang ginagawa nito. Meron siyang kaibigan na si Liam at nagkahiwalay sila nung sila ay mga bata pa lamang at muling magkikita sa kolehiyo. Si Liam Cruz, ang kababata ni Yuri. Pinalaking mayaman at matalino. Natakot makipag kaibigan sa mga tao matapos itong iwan ni Yuri nung sila ay mga bata palamang. Matapos na malaman na makikita niya ulit to ay lahat gagawin niya para maging magkaibigan ulit sila. Si Vi, Violet Robena. Isang lesbian at pangarap makapag aral sa university. Ang kanyang ina ay laging nakakaranas ng pamamaltrato ng kanilang ama. Si Jeremy Muzon, isang estudyante na mahilig gumawa ng mga tula, kanta, at kwento dahil pangarap nitong maging isang writer ngunit pinagbabawalan ng kanyang ama dahil gusto nitong maging accountant siya. Si Naiomi Pascual, mahilig kumuha ng litrato at video pero mas pinili na lang kunin ang kursong accountancy dahil sa namatay niyang ate. Bata palamang ay iniwan sila ng kaniyang Ina at ngayon ay nakatira kasama ang step mom niya. Silang lima ay gagawin ang lahat para makapasok sa Northvale University at lahat gagawin para makapasa sa Accountancy at maging CPA.All Rights Reserved