Si Viorel Almonteros ay isang henyong binata na nagtapos ng kursong psychology. Guwapo, karismatiko, makamandag ang hitsura't tindig, at may angking pambihirang talino. Nang makita ang nakapaskil na poster sa pader ay walang pagdadalawang-isip na nag apply si Fialovy bilang assistant ng binata. Sa mga araw na kasama n'ya ang binata ay may matututunan s'yang mga bagay, hindi lang leksyon o aral kundi pati kung gaano kasarap at nakakabaliw ang init at haplos na hatid ng binata sa kanya.