Sa bayan ng Pápa, isang alamat ng bampirang demonyo ang kilala ng bawat residente na pumapatay ng sinumang nakikita. Tuwing nakakalipas ang apat na taon sa malamig na buwan ng Nobyembre, gumagawa ng isang kakaibang kababalaghan ang demonyo. Hindi nito pasisikatin ang araw at ang sinumang matapang na kaluluwa na maglalakas-loob na makipagsapalaran sa labas ng kanilang tahanan ay siguradong mamamatay. Walang kaideya ang ulilang binata na si Peter sa kababalaghan na ito ngunit dahil sa dakilang puso na mayroon siya, naisipan niyang kalabanin ang demonyo upang matapos na lahat. Maaari nga bang talunin ng mga mortal na tulad niya ang isang napakalakas na demonyo?