"Ang totoong paghilom ay tuwing nasa tabi mo ako" Totoo nga ang sinabing minsan ay mas masakit pang manatili kaysa umalis. Makakaya ko kayang kalimutan ka? Iyan ang tanong na hindi masagot ng isipan. Sinubukang gumawa ng mundo kung saan ang isang katulad mo ay hindi puwedeng makapasok. Umaasang sa ganitong paraan ay maghihilom ang mga sugat na nagawa noong mga panahong nasa tabi kita. Kung puwede lang alisin lahat ng alaala sa isip, siguro'y matagal ko nang ginawa. Gusto kong kalimutan ang lahat ng tungkol sa iyo. Ang hitsura, boses, pati na rin ang istilo ng pagngiti mo. Ngunit sa muling pagkikita, hindi inaasahang ang paghilom na hinanap kung saan-saan, sa'yo ko lang pala mararanasan.
8 parts