Isa sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas, dito maraming iba't ibang uri ng mga estudyante ang makikita at makikilala mo. At sa school na ito, dito mo matatagpuan ang mga magkakaibigan na sinubok na ng panahon at ng mundo pero may isang pagsubok ang sisira sa kanilang samahan. Handa ba sila sa pagsubok na ito? O magiging mahina at magkakawatak watak ba sila? Ating tunghayan ang kwento ng mga magkakaibigan na sinubok at pinatatag ng panahon, ang 'Troupes'