CAROL (bxg) (COMPLETED)

CAROL (bxg) (COMPLETED)

  • WpView
    MGA BUMASA 2,473
  • WpVote
    Mga Boto 22
  • WpPart
    Mga Parte 12
WpMetadataReadMatureKumpleto Sat, Apr 8, 2023
WpInfo
Fiction
Mystery
Bilang isang manunulat, hindi na bago kay Jerome na maitampok at makatanggap ng mga prestiyosong parangal sa larangan ng panitikan. Mahal na mahal niya ang pagsusulat, higit pa sa kaniyang sarili. Kaya noong matapos mailathala ang huli niyang akda, nagsimula ulit siyang makaramdam nang pagnanasang makapagsulat ng bagong kuwento ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na magmumula ang mga karanasan at detalye sa ibang tao. Para kay Carol, siya na ang pinaka maswerteng babae dahil napangasawa niya si Jerome, isang sikat na nobelista. Mapagmahal, maalalahanin, tila wala na siyang mahihiling pa! Pero paano kung ang inakala niyang perpektong pagsasama nilang mag-asawa ay magkaro'n ng lamat? At paano kung sa huli ay masubok ang pagmamahal niya para sa lalaki sa paraang nakahanda siyang pumatay ng dahil sa pag-ibig niya rito? Sa kuwentong ito matutunghayan natin ang iba't ibang mukha ng pag-ibig. "Hindi ko pinangarap na madungisan ng dugo ng iba ang aking mga kamay. Ngunit kung para naman sayo, nakahanda akong pumatay." - CAROL
All Rights Reserved
Sumali sa pinakamalaking komunidad ng pagkukuwentoMakakuha ng personalized na mga rekomendasyon ng kuwento, i-save ang iyong mga paborito sa iyong library, at magkomento at bumoto para lumago ang iyong komunidad.
Illustration

Magugustuhan mo rin ang

  • (Free) Finally Found You (Tagalog)
  • BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]
  • I Married My Mafia Ghost
  • Wicked Revenge
  • 'ILL GIVE MY LOVE TO YOU (Complete)
  • Surrender
  • Karen Deryahan
  • Paraluman

"NANDITO ka na naman. Lagi ka na lang bumabalik dito sa dati nating tagpuan. Hindi ka ba napapagod o nagsasawa man lang?" kausap ni Jerome kay Jenny habang nakaupo ang dalaga sa upuang inukit niya noon sa malaking puno ng mangga. Nasa ituktok iyon ng burol, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan nila. Madalas silang magpunta roon ng nobya tuwing break time upang mag-relax. "Bakit hindi mo maintindihan na tapos na tayo?" muling wika ng binata upang maipabatid dito ang nadarama. Gayunma'y hindi siya sinagot ni Jenny at sa halip ay tumulo lamang ang luha nito sa mata. Nakita niya pang malungkot itong ngumiti at tumingala sa kalangitan. "Nandito na naman ako mahal ko. Nahihirapan pa ring tanggapin ang pagkawala mo," bulong ng dalaga habang hindi nakikita si Jerome sa tabi nito. Nahihirapan ang loob na idinantay ni Jerome ang kamay sa balikat ng minamahal. Subalit tumagos lamang iyon sa katawan ng dalaga. Naikuyom niya ang kamao sa sakit na nadama. "Bakit hindi kita makausap, mahagkan o kahit mahawakan man lang? Paano ako matatahimik kung ika'y nahihirapan?" malungkot niyang sambit habang tahimik na sinusubaybayan ang babaeng minamahal. Lumipas pa ang mga araw na hindi pa rin iniiwan ni Jerome ang dalaga. Hindi matahimik ang binata habang nakikitang hindi masaya ang minamahal. "Jenny!" Sabay silang napalingon ng dalaga sa pinanggalingan ng tinig. Nasa loob sila ng mini garden ng paaralan ng mga sandaling iyon. "Oh, Joel?" tugon ng dalaga nang mapagsino ang dumating. Samantalang siya ay nanlaki ang mga mata nang matitigan ang kakilala ng nobya. Hindi siya maaaring magkamali, hinding-hindi niya malilimutan ang taong nasa harapan dahil ito mismo ang pumatay sa kaniya!

Karagdagang detalye
WpActionLinkMga Alituntunin ng Nilalaman