Sa lahat ng buwan sa isang taon, isa lamang ang gusto at paborito ni Maergiele, ang buwan ng disyembre. Siguro napaka common na na gusto ito ng mga kabataan. It's christmas, at malamig ang panahon kapag disyembre ng taon. She loved it so much. Pero may isa pang dahilan kung bakit niya gusto ang disyembre. Sa buwang iyon nakilala niya ang mahal niya sa buhay. Ngunit magbabago ang paningin niya sa buwang iyon dahil ang dating comfort month niya ay ang magiging dahilan ng pagkawasak ng pinakaiingatan niya, ang kanyang puso. She'd go back to December for that night. Pero, she wished she never liked or cherished that month. Instead, she grew hatred. She made herself hate that month. Ngunit babalik din pala ang taong kinamumuhian niya on that exact same December night he walked away. Paano na siya ngayong masaya na siyang namumuhay kasama ang bago niyang minamahal na buwan?