Pandora's Diary (Completed)
33 bab Lengkap "Pandora's Diary... No one will know what's inside but only you, Pandora... -M."
Nakatagpo si Nikko Michael Santiago, isang mag-aaral na major sa Home Economics na kurso sa BTLED, ng isang diary sa loob ng malawak na gym ng kanilang unibersidad. Sumagi ang kuryosidad sa kanya na buksan ito, at sa pagbabasa ay natuklasan niya ang puno ng lungkot at hinanakit sa bawat pahina, naglalahad ng mga sandaling gusto ng sumuko sa mga hamon ng kanyang buhay. Walang ibang makakausap kundi ang kanyang diary na tinatawag na Pandora.
Sa mga sumunod na araw, may isang babae na humihingi ng librong kanyang napulot. Ngunit hindi niya ito ibinigay, mas gugustuhin ni Nikko na makilala ang tunay na may-ari at maging kaibigan iyon ang ninanais niya.
Sa ika-tatlumpu't isa na araw ng buwan, naglabas ng anunsyo ang unibersidad na magdudulot ng malaking epekto sa mundo ni Nikko.
Handa na kaya siya sa balitang magbubukas ng mga pahina tungo sa pagyanig ng kanyang mundo? Sino nga ba ang nagmamay-ari ng misteryosong diary na ito?
Started: January 1, 2024
Finished: January 31, 2024
Publish in wattpad: March 20, 2024