Unang tapak pa lang ni Ivana Yara Clemente sa Private Island na pagmamay-ari ng isa sa Bud Brothers Bosses nila nabihag kaagad ang kanyang puso ni Ralp Allen Fourth Manrique. The tall sexy hunk henchman with ripped abs and muscles, reddish lips na para bang kay sarap halikan. Ngunit tila bloke ito ng yelo sa subrang kalamigan. Ni hindi marunong ngumiti. Limitado ang mga salita. But she was persistent to catch his attention. Isinumpa niya sa sariling babagsak ito sa kanyang kandungan. Hanggang sa isang iglap nagbago ang ihip ng hangin. Ito na mismo ang lumalapit sa kanya. Umaayon ang tadhana sa kanya pero hindi ang puso niya. Malakas ang pakiramdam niyang may iba sa lalaking sinisinta pero hindi niya matukoy kung ano. Ang masaklap bumigay siya sa pang-aakit nito sa kanya. Nang malagay sa panganib ang kanyang buhay dumating ito para iligtas siya. Ito mismo nagbantay at nag-alaga sa kanya. Sa pagsasama nila sa iisang bubong nalaman niyang ang ka-triplets ni Fourth na si Ralp Allen Third Manrique ang lalaking napag-alayan niya ng sarili hindi ang sinisinta. Ano ang gagawing niya kung ang lalaking tagapagligtas ay inakala niyang may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang mga magulang? Makakaya niya bang patayin ang matipunong binata na ama ng sanggol na nasa sinapupunan niya?