Hi ako nga pala si Jefferson 17 years old. May taas na 5'5 na kasalukuyang nag-aaral sa Kolehiyo sa kursong Computer Programming, kung tatanungin mo ako tungkol sa itsura ko, isa lang masasabi ko. Average looking lang ako, hindi ako ganon kaganda at kapangit na tao, dahil naniniwala ako na wala namang pangit na tao. Gay ako pero hindi ako yung Gay na magaslaw kaya lahat ng Bestfriends ko gusto akong kasama dahil simple lang ako, walang arte sa katawan. Ako din ying Gay na madaming insecurities sa buhay. Hate ko yung rejection though alam kunaman na parte nayon ng buhay pero masakit kasi yung Rejection eh. Yung bang maraming tanong sa utak mo kung bakit ayaw nila sayo. Naaalala ku tuloy nung nasa Grade 6 pa ako nangkaroon ako ng crush at iniyakan ko talaga siya sa harap ng ate ko. Si Michael ay 15 years old noon at ako naman ay 12 years old at nasa Grade 6 na ako at grabe noon ang iyak ko kay Michael dahil gusto ko na mahalin din niya ako pabalik kagaya ng pagmamahal ko sakanya.