36 bab Lengkap Naniniwala ka ba sa Destiny? Hindi? Corny ba? Okay sige.
Eh yung Serendipity? Hindi rin? Hindi pa? O hindi mo pa narinig yun?
Kwentuhan na lang kita sa kwentong hindi naman destiny ang may kasalanan at hindi rin dahil si Kupido ang salarin. Kasi kung siya, aba, dapat patalsikin na yan sa trabaho niya.
Kukwentuhan kita hanggang sa maintindihan mo yung serendipity. Hanggang sa maintindihan mo na minsan, may mga bagay na hindi itinakda pero nangyayari. May mga bagay na bigla mo na lang mahahanap sa mga panahong hindi mo inaasahan at sa paraang hindi mo makakalimutan.
Cover credit goes to: xxChocolateChipxx - also the inspiration for this story. Naks. Hahaha!