Si Achilles ay isang sundalo, sa kasamaang palad tinambangan sila Ng mga rebelde sa Daan. Lima lamang sila na mga sundalo na nag escort sa dalawang doctor at dalawang nurse na nagsagawa Ng medical mission sa Isang barangay sa bundok. Lahat ng mga kasama Niya ay pinagbabaril sa harap Niya mismo.
Achilles: Ako nalang barilin niyo, parang awa niyo na huwag na sila, Ako nalang. Aaaaaah!
Rebelde: Huwag kang atat, Ikaw Ang mahuhuli Major Peralta. Panuorin mo munang sumabog Ang mga ulo Ng mga Kasama mo.
Isa Isang binaril sa ulo Ang mga kasamahan Niya, pati Ang mga doctor na walang kinalaman sa alitan nila.
Achilles: Aaaaaah! tama na! mga hay*p Kay* magbabayad kayo pag ako nakaalis Dito. Papatayin ko kayo.
Hinampas si Achilles Ng Baril Hanggang mawalan ito Ng Malay, pinagtatadyakan at binugbug, maya maya ay binuhusan ito Ng malamig na tubig at nagkamalay ulit, Hindi na nito maramdaman Ang kahit Anong parte sa katawan Niya, para itong Nauuhaw na masakit Ang ulo na Hindi na makahinga, pinaluhod ito sa harap Ng Isang ilog at hinampas Ng pagkalakas lakas sa likod, Hanggang anurin na ito ng rumaragasang tubig.
Si Achilles ay nailigtas pero na coma ito Ng anim na buwan. Sa loob Ng anim na buwan ay parang namuhay lamang siya sa Isang panaginip. Masayang panaginip, kung saan doon buhay na Buhay siya, masayang nakakasama Ang kanyang pamilya, at may Isang taong nagmamahal at MINAMAHAL Niya Ng sobra, Echo Ang Pangalan nito, inaalagaan siya nito na parang asawa. Hindi man malinaw Ang itsura nito sa kanyang panaginip ay Yun Ang nag bigay sa kanya Ng buhay. Ang tao sa kanyang panaginip Ang naging dahilan kung bakit siya nagkamalay ulit. Ngunit sa pagbalik Niya sa realidad. Ibang-iba Pala ito sa kanyang panaginip, gusto Niya ulit bumalik sa panaginip na Yun, Hindi para maiwasan Ang mga problema sa realidad kundi dahil gusto niyang makasama si ECHO bilang kanyang MINAMAHAL.