Dalawang taong totally OPPOSITE ang ugali. As in super duper OPPOSITE.
Si Mark Louie Dela Vega. Isang gangster. Yes, Gangster. Pero hindi mo yun mapapansin dahil sa kanyang pananamit at galaw. Tahimik, tipid kung sumagot, masungit, madaling uminit ang ulo, pikon, at may motto na ‘no-one-dares-to-touch-my-face’. Pag ginalaw mo yung mukha niya, tawagin mo na ang laha ng santo na kilala mo sa langit at MAGDASAL ka na kasi masisira talaga yang mukha mo.
Si Jessica Jane Lee. Half-Filipino, Half-Korean. Maganda, pang-model ang katawan at mayaman. Anak siya ng isang sikat na businessman at businesswoman sa buong bansa. Madaldal, masayahin, friendly, maraming kalokohang ginagawa, K-POP lover, kalog at isang ‘happy-go-lucky’.
Totally OPPOSITE sila diba?
Paano kung isang araw, magtagpo ang landas nila? At sa hindi inaasahang pagkakataon at pangyayari pa. Magkakasundo kaya silang dalawa?All Rights Reserved