Hi.
Simula ngayon tapos na ang lahat, wala na ang dating pagtingin ko sa kanya.Wala na lahat. Sawa na akong mabalewala. Paulit- ulit na lang. Masyado na akong nasasaktan....
Simula G7 crush ko na siya. Napakaganda niya, ang mga mata nyang animo'y nangungusap na sa tuwing aking nasisilayan ay parang pakiramdam ko lalo akong nahuhulog sa kanya. DUG! DUG!, grabe lakas ng tibok ng puso ko. Inlove ba ako? Ewan di ko rin alam.
Sa kabila ng aking paghanga sa kanya, nananatiling nakakubli ito sa aking puso. Hindi ko masabi ng harapan sa kanya dahil natatakot ako, natatakot ako na baka magalit siya sa akin, na baka iwasan niya ako. Takot ako na mangyari ang lahat ng ito.
Maraming pagkakataon ang aking pinalampas. Mga pagkakataon na dapat sinabi ko na sa kanya ang aking nararamdaman. Lagi na lang akong naduduwag. Sabagay ganito talaga ako, torpe! Inaamin ko, torpe talaga ako. Pero habang tumatagal hindi ko talaga mapigilan. Hanggang sa dumating na ang pagkakataon, sa wakas nasabi ko rin.
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro.
NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLETE, BUT is currently being revised. Other chapters are presently not posted and will be published again once edited. Hope you understand. Thank you