Bago pa man ipanganak si Reina ay may nakatakda na agad na kapalaran para sa kanya. Ang kinabukasan para sa kanya ay hindi iba sa bukas ng mga kagaya niyang nabibilang sa lahi ng mga mabababang uri. Isa siyang mortal na tagapagsilbi ng mga nasa itaas at may dugong makapangyarihan. Bampira. Lobo. Mahikero. Demonyo. Sila ang sinasamba ng mga mortal sa mundong kanyang kinamulatan. Ang masaklap, nabibilang siya sa dugo ng mga pamilyang nabubuhay upang mamatay. Mga bampira ang pangunahin nilang pinaglilingkuran bilang tagapagsustento ng dugo. Hindi sila pwedeng tumanggi dahil malaki ang magiging kabayaran. Subalit si Reina, hindi niya tanggap ang ganitong kapalaran. Siya lamang ang nag-iisang mortal na gustong kumawala at makalaya sa sistemang mayron ang kanilang mundo. Iba siyang mag-isip. Ibang klase rin ang lakas ng loob na meron siya. At lingid din sa kanyang kaalaman na lubos siyang kakaiba sa lahat ng uri. Ngunit hindi niya pa rin matatawag na biyaya o sumpa ang kung anong nasa likod ng kanyang pagkatao sa pagsapit ng itinakdang araw.All Rights Reserved
1 part