@All Rights Reserved 2014
Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman palang malaking kasinungalingan. Dahil ang totoo, doon ka talaga nabibilang. Sila ang iyong kauri at nananalaytay sa dugo mo ang dugong, katulad na katulad ng sa kanila.
Sa mundo ng mga tao, ikaw ay binubuli, ngunit sa mundong iyon, ikaw ay hinahangaan.
Sa mundo ng mga tao, hindi ka pinapansin ng mga kalalakihan dahil 'di nila feel ang beauty mo. Ngunit sa mundong iyon, ikaw ay tinatangi ng bawat lalaki.
Tanggap na tanggap ka ng lahat, at nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng Alabaya.
Hindi pa 'yan. Ang pinakamatindi sa lahat, sa mundong iyon, may isang lalakeng naka-captivate ng attention mo dahil bukod sa masarap-este guwapo, siya, ay bigatin din. Siya raw ang hari ng Alabaya. What's more than that ay automatikong, siya na ang hinirang na reyna ng Alabaya.
Seriously? Sa guwapo ng hari, siya ang magiging reyna?
Read at your own Risk..
HannaGoBlueJazmine
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Flutter Fic)
53 parts Complete
53 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.