Nung una kitang nakilala Labis-labis aking saya Sa ngiti mong abot langit, Mata moy sumisingkit na wari'y umaawit. Ika'y aking nilapitan Kamay ko'y aking nilaan Pero ako'y iyong inirapan Lumayo ka sa aking pinaruruonan. Hinabol kita Gusto ko lang sayo'y magpakilala Ako'y iyong maiging tinitigan Bigla lang kitang nginitian. Tayo'y naging malapit na kaibigan Naging magaan sayo aking kaluoban Puro tayo mga biruan, Sayo'y marami akong nalaman. Pagdating sa kainan, Ika'y mahilig sa sisig Yan ang iyong paborito Akin naman ay abodo. Ngunit mga araw ay nag-iba Napansin kung ikaw ay di na tumatawa Ako'y biglang nag-alala Napano ka kaya oh, aking sinta? Bigla kang di na nagpakita Namiss kita ng sobra Ako'y nalungkot Puso ko'y nababagot. Di ko akalain Ganito ang mangyayari sa akin, Buhat ng iyong biglang pagkawala Ako'y tuluyang nangungulila. Di ako makakain Ika'y iniisip at palaging mithiin Paano ang pusong nanlalamig? Ganito pala kung ang tao ay umiibig? Hindi kayang maisambit ng bibig Ang iyong pangalan, oh aking iniibig. Napakasakit ng iyong ginawa Nang ako'y iniwan at ika'y biglang nawala. Ikaw ay naging malaki kung problema Ako parin kasi ay uma-asa Mukhang pasan ko ang daigdig Dahil di ko kapiling ang aking iniibig. Pinilit kong maging masigla Ako'y nagpakasaya Kasama ng aking mga barkada Kami ay pumunta sa Luneta. Meron sana akong bagong pag-asa Kasi meron akong bagong nakilala Ngunit kaya ko pa bang umibig Kung siya rin ay mahilig sa sisig? Siya lamang ay nagpapaalala sa akin Nang mga ginawa mo sa akin Oh, kailan kita malilimutan? Sana'y hindi umabot sa aking kamatayan.