Ilang taon na din pala simula ng kinimkim ko tong sakit ko sa puso. Wala akong pinagsasabihan ng tungkol dito maliban sa boyfriend ko. Alam ko sobrang alalang alala na siya sakin. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Wala pa kong sapat na pera pang paopera. Oo mayaman kami pero anu idadahilan ko sa magulang ko? diba?! Ayokong pinag-gagastusan nila ako eh mamamatay nanaman din ako. At ayoko nang mahirapan pa. Mahirap din pala pag nagtatago ka no? Yung parang nakikita mo sila nakakausap mo tapos bigla kang makokonsensya? Yun ang masaklap dun. Naalala ko nanaman yung pinipilit ako ng boyfriend ko na magpa-opera na. Siya daw gagastos. Pero nagdadalawang isip pa talaga ako nun. Pero ayoko na din mahirapan pa siya at sa wakas napapayag nya din ako. Oh? Diba ang gulo ko. Sorry para dyan. :) Na-realize ko na may misyon pa ko..All Rights Reserved