(ProfxStudent) "Mukhang mas napapadalas pa yata ang pag-uwi mo ng mga babae? Gabi-gabi... Wala kang pinalalampas." Iyan ang paunang salita ni Hira Agape del Mártez matapos pauwiin ng asawa niyang si Teresa Novelino ang babaeng kinama nito sa kwarto nilang dalawa. "Hindi ko kasalanang namatay si Ate at kinailangan mo akong pakasalan! Nawalan din ako ng mahal sa buhay... Hindi lang ikaw. Kapag ako ba ang gumawa niyan, matutuwa ka?" Ipinagsawalang-bahala ni Teresa ang iba niyang litanya at walang kagana-ganang sinagot ang tanong nito. "You have the liberty to do so. It's your choice." "Ah... E, napakalaya mo naman pala, Ma'am. Parang walang asawa. Parang hindi mo ako asawa." Mapait niyang tugon sa propesora. Sa unang gabi pa lang kasi nila bilang bagong kasal ay iba na agad ang katabi nito sa kama. "Nahihibang ka na ba, Hira? How dare you refer to yourself as my wife!? Respetuhin mo naman si Isabel!" "Ako ang asawa mo, Teresa! Ako. I was your second fiancée, but I am your only wife! Kasal tayo... kahit sa papel lang. Pero ano? Ginawa mo naman akong sawsawan, Teresa. Hindi man lang putahe." Pinunasan niya ang sariling luha na hindi na magkamayaw sa pagtulo. "...Ipamigay mo na lang kaya ako? Isauli mo na lang ako sa pamilya ko..." Hahamakin ang lahat para sa sinisinta. Ganiyan si Hira, the hopelessly-devoted wife. Ikaw? Ano ang kaya mong isugal para sa pag-ibig?