Story cover for "Wala na siya, Iris" (ONESHOT) by 1twentyseven1
"Wala na siya, Iris" (ONESHOT)
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 3
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 3
Complete, First published May 08, 2023
PAGBUKAS ng mata ay siyang paglabas ng panibagong mga katanungan na nais kong masagutan.

'Wala na siya, Iris' paulit-ulit kong naririnig loob ng aking isip.

Binuksan ko ang aking mga mata... wala akong makita kundi kadiliman. 

Bumangon ako sa pagkakahiga at niyakap ang sarili.

Humakbang ako at narinig ko ang aking mga yapak. Saka ko napagtantong kahoy pala ang aking nilalakaran. Iginala ko ang aking mata at kasabay nito ang pag-ihip ng malakas at malamig na hangin.

Humakbang ulit ako at narinig ko ang malakas na hampas ng alon. Inikot ko ulit ang aking mata sa kapaligiran at napansin kong nasa dagat ako, nag-iisa. Luminga linga ako upang maghanap ng mga kasama. Wala, ako lang mag-isa.

Humakbang ulit ako at tumingin sa likod...

Napapalibutan ako ng dagat..

Pumikit ako at huminga nang malalim. Lumakad ako, walang idea kung hanggang kailan ako maglalakad o kung mayroon bang hangganan ang nilalakaran ko.

'Wala na siya, Iris' narinig ko ulit ang boses sa aking isipan.

Idinilat ko ang aking mata. 

Pagdilat nito ay napansin ko ang puti at maliit na pigura ng tao. Agad kong nakilala kung sino ito. 'Nandito siya' sabi ko sa isip ko.

Tumakbo ako papalapit sa pigura ngunit agad ding napahinto nang lumakad ito. Nagtaka ako kung bakit lumiliit lalo ang kanyang pigura. 'Lumalayo siya?'

Tumakbo ako nang mas mabilis. Malapit na ako. Akmang tatalon siya ngunit mabilis ko itong niyakap. Ngunit laking gulat ko nang makitang yakap ko ang aking sarili. Iginala ko ang aking mata at sa pangalawang pagkakataon, napagtanto kong

Nag-iisa ako sa gitna ng karagatan. Naglalakad ngunit hindi alam kung mayroon bang hangganan ang aking nilalakaran.

WKS
All Rights Reserved
Sign up to add "Wala na siya, Iris" (ONESHOT) to your library and receive updates
or
#28iris
Content Guidelines
You may also like
Obsessive Desire (GXG) by MissYandere1926
11 parts Ongoing Mature
"Shhh baby. Don't cry. I told you that escaping here is useless. See? Napagod lang tayong dalawa." Malambing na sabi nito habang pinupunasan ang luhang di ko man lang namalayang umaagos na. Bahagya itong lumayo at pinalapit ang tauhan niya. "B-bitawan mo a-ako!" Sigaw ko nang bigla akong binuhat ng tauhan niya. "Hush now babe. I know that you're tired. Hinang hina ka na at idagdag mo pang hindi ka kumakain ng maayos." Sabi nito ng may matamis at nakaka akit na ngiti sa labi. "P-please. Let me g-go. Iuwi mo na ako! Ayaw ko nang bumalik sa mansyon na yon. Please! Nag mamakaawa ako! " Pag susumamo ko sa kanya. Ang kaninang nakangiting maamong mukha ay biglang napalitan ng eksprisyon na kailan man ay di mo gugustuhing makita. Nakakagulat ang bilis nito sa pag babago ng eksprisyon. "Mag usap tayo sa mansyon." kasing lamig pa sa yelong sabi nito. Naramdaman kong may itinurok sakin na injection na tiyak kong pampatulog ang laman. Hindi ito ang unang beses na naranasan ko ito kaya nakakasiguro akong pampatulog ito. Unti unting bumigat ang talukap ng aking mata ngunit bago ako panawan ng ulirat ay narinig ko pa ang sinabi ni Farah. "You're mine and mine alone." ___________________ Hello! I really want to use their TSOU character names but i might get in trouble if I do that. I need to change their names to avoid copyright. Thanks for understanding! A/N: Please read at your own risk.This is my first story. I'm not a professional writer so please do understand if I have mistakes or errors, you are free to correct me guys. Thanks. P.S. Please do not copy or steal my work. It took me a long time to make this.
Her Human Blood by MsNakahara
55 parts Complete Mature
Nilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito. Naaninag ko ang pamilyar na pigura na siyang nakaupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko. Agad akong natauhan at mabilis na lumayo sa kanya. "A-Anong g-ginagawa ko rito P-Prinsipe Alexus???" hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o dahil ito sa sakit ng ulo. Nakasuot sya ng puting polo. Pansin kong bukas ang tatlong butones nito. Sumisilip ang matitipuno nyang dibdib habang malalim ang binibitiwang hininga. Niluwagan nya ang suot na neck tie habang naka titig sa akin ng seryoso. Lumunok ako ng mariin. Bakit uminit bigla sa loob ng kwarto nya? Pansin kong ilang minuto na pala kaming nagtititigan kaya ako na ang unang kumalas. Dumiretso ang aking paningin sa suot kong damit. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. B-Bakit ganito ang k-kasuotan ko??? Nakasuot ako ng itim na evening dress at lantad na lantad ang aking mga dibdib. Ni hindi manlang nangalahati ang haba ng tela nito kaya malayang nakikita ang mapusyaw kong binti. Napatingin ako sa kanya. Minabuti ko nalang ulit na wag nalang magsalita dahil mas nangibabaw ang takot sa akin. Napaiwas ako ng tingin. A-Anong amoy yon? Tanong ko sa sarili ng may maamoy na mabango at agad ko itong hinanap. His bleeding wrist Tumayo sya at nilapitan ako ngunit hindi ako gumalaw. Inilapit nya sa ilong ko ang kamay nyang kasalukuyang dumudugo. Naramdaman kong humahaba ang mga pangil ko. Mabilis akong nagtatakbo sa palikuran ng kanyang kwarto ng manumbalik ang pagkahilo ko. Sumuka ako at mabilis na nagmumumog. Paglabas ko ay nakita kong naka abang ang prinsipe Alexus sa labas ng banyo. Lalampasan ko na sana siya ng mabilis nya akong itinulak sa pader at agad akong napangiwi sa lakas nito. "Now drink" Date Started: May 4, 2020 Date Finished: August 20, 2020 Highest Rank Attained #3 Romance- June 2, 2021 #1 Vampire- August 14, 2021 #8 Romance- September 8, 2022
TATsuLOk by JeyEmMen
16 parts Complete Mature
Mula sa salamin ay kitang kita ko kung panong tumulo sa sahig ang malapot na dugo na mula sa isang kutsilyo. "A-anong ginawa nyo?" Hindi makapaniwalang tanong nya. "Ginawa? Wala kaming ginawa." Sabi ng isang tinig na hindi nya malaman kung saan nag mula. "Tinulungan ka lang namin." Dagdag pa nito na bakas ang pagkairita marahil dahil sa gulat na reaksyon nya. "P-pero hindi to tama.." Nilingon nya ang lalaking ngayon ay nakahandusay sa sarili nitong kama. Ang kaninang puting kama ngayon ay nagiging pula na dahil sa dugong nag mumula sa katawan ng lalaki. Ganun na lang ang gulat nya ng makita ang kabuuan nito. Mabilis na sumuka sya sa tabi ng isang malaking salamin kung saan tanaw nya ang babaeng may hawak ng duguang kutsilyo na malamang ay syang pinangputol sa ari ng ngayoy wala ng buhay na lalaki. "Tss. Mahina ka talaga. Kailan kaba masasanay?" Maarteng tanong ng isang tinig. "M-mali to... mali lahat to.." Pauli ulit na umiling sya. " Walang mali dito. Ang mali ay ang panatilihin nating buhay ang walang kuwentang taong yan." "Bakit kailangan nyo syang patayin!" Sigaw nya na hindi na mapigilan ang emosyong gustong kumawala sa kanya. Pumatak ang luha sa kanyang pisngi at nag mamakaawang tumitig sa mga matang repleksyon mula sa malaking salamin na deretso ring nakatingin sa mga mata nya. "Pinatay? Hahahaha!" Sarkastikong tawa ng isang tinig. "Wala kaming pinapatay..." "A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong nya. "Ikaw ang pumatay sa kanya. Nakalimutan mo na agad?" Nanginginig na inangat nya ang mga kamay nya at ganun na lang ang gulat nya ng makita ang kutsilyo dito. Punong puno din ng dugo ang mga kamay nya at maging ang hubad nyang katawan. "H-hindi... h-hindi to totoo! K-kayo ang pumatay sa kanya!" "Mali ka.. TAYO ANG PUMATAY SA KANYA."
BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing by coolangsalambing
37 parts Ongoing
Huminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat na Ang public school. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, eto ang nagkataon na paaralan Ang tanging tumanggap saakin. Masaya ako Kasi nakapag aral ako , ngunit Hindi ko alam na Ang kapalit pala nun ay paghihirap. I was just a scholar in this school, kaya siguro mainit Ang dugo nila saakin. Napasinghot ako ng maramdaman Ang muling pagtulo ng luha. Mula recess time ay nakakulong na ako rito, at ngayon ay maghahapon na. Ramdam ko na Ang matinding pagod at gutom. Tingin ko ay magiging katapusan ko na ito. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may magbubukas ng pintuan. Napadilat ang mata ko Ng kaunti , ngunit di ko magawang iangat ang sailing ulo. Sa matinding gutom at pagod ay hirap akong gumalaw tanging pagyakap sa sariling katawan ang aking kayang Gawin. "I'm sorry if I did this to you." Ani ng Isang tinig na malamig, sa boses palang ay kilala ko na ito. Napahikbi ako sa takot. B-bakit ginagawa nya ito saakin. Hindi ko naman sya kilala. Isa lang akong transferee SA school na ito at ang malala pa ay wala talaga akong maibubuga pagdating sa yaman. "You made me do this to you , your stubborn " Ani pa nito , sabay lakad palapit saakin. Gusto kung lumayo ngunit Hindi ko magalaw ang katawan ko. Tanging iyak lang ang kaya ko. Hinawakan nito ang Mukha ko at pinaharap sa kanya , pinilit Kong idilat ang MGA mata ko. Sumalubong ang malumanay nitong titig na aakalain mong may pakealam talaga sya saakin. Napa buntong hininga ito , kinarga nya ako na parang bagong kasal. Wala akong nagawa kundi Ang Hindi tumutol, Wala na akong lakas kaya naipikit ko Ang magkabilang mata. --
You may also like
Slide 1 of 9
Salamisim cover
Obsessive Desire (GXG) cover
We Were Strangers cover
Her Human Blood cover
TATsuLOk cover
Isa Pang Balang Araw (Another Someday) cover
BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing cover
Compilation Of Horror Stories cover
HIS REAL IDENTITY  cover

Salamisim

2 parts Complete

Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.