Jackson is becoming the most popular athlete in the school. Lahat ng mga nakakakilala sa kanya ay humahanga sa kanya hindi lamang dahil sa galing niya sa paglalaro ng basketball, kundi dahil na rin sa angking kaguwapohan niya. Kahit saan siya magpunta ay tinitilian siya ng mga kababaihan. Kasama na dito si Theo, na lihim na humahanga sa kanya. Subalit paano ipapahayag ni Theo ang tunay na nararamdaman niya sa hinahangaang lalaki gayong batid niya sa sarili na kahit kailan ay hindi siya papansinin ni Jackson. Tunay na lalaki si Jackson. At idagdag pa na nag-iisang anak si Jackson ng may-ari ng unibersidad kung saan siya isang iskolar. Pero sa hindi malamang kadahilanan ni Theo ay bakit ipinaglalapit silang dalawa ni Jackson ng tadhana. Paano niya ngayon pipigilan ang sarili na huwag tuluyang mahulog ang loob niya sa tanging tao na nagmulat sa kanya sa pag-ibig? Paano niya haharapin ang kinabukasang walang katiyakan? Mamangha sa kakaibang kuwento ng pag-iibigan ng dalawang taong itinadhanang magkakilala sa kakatuwang pangyayari.
44 parts