Ang kanyang normal at simpleng buhay ay biglang magbabago Kasabay ng paglipat ni Zac ay ang mga pangyayaring ni sa hinagap ay di niya inaasahan. Ang pakiramdam na may mga matang palaging nakasubaybay sa kanya, ang di maipaliwanag na panaginip na siyang sumindak sa kanya at ang sunod-sunod na pagpatay sa mga taong mahal niya. Paano niya ililigtas ang mga taong nakapaligid sa kanya at paano siya makakaligtas kung siya na mismo ang nasa bingit ng kamatayan?