Si Cried, isang babaeng binigay ang lahat ng kanyang pagmamahal para sa isang lalaki na walang ibang ginawa kundi ang ipagtabuyan at paluhain siya. Oo, tama ka. Martir siya. Tanga siya. Sira ulo. Abno. Baliw. Kulang sa turnilyo at iba pang termino sa pagpapakatanga niya. Sa paglipas ba ng panahon ay matatanggap na niya ang kaniyang pinapangarap na pagmamahal sa lalaking kaniyang matagal ng iniilusyon o sa ibang lalaki na niya iyon makakamtan?