Isang lalaking buntis at napaanak ng di oras dulot ng malagim na aksidente at ito'y naging sanhi ng pansamantalang pagkawala ng kaniyang ala-ala kung kaya't hindi niya alam na nagsilang siya ng sanggol nung araw na maaksidente siya. lumipas ang dalawang dekada, lumaki ang bata na ibang magulang ang kinagisnan. uhaw sa atensyon at pagmamahal sa akala niyang mga tunay niyang mga magulang na nagpalaki sa kaniya. Binigyan siya ng pangalan ng nagkupkop sa kaniya, pinangalanan siyang Lucas... habang siya ay lumalaki ay napapansin niyang naiiba siya sa ibang bata na mahal ng kanilang mga magulang, nabibigyan sila ng atensyon, pag aalaga at pagmamahal ngunit siya ay hindi man lang nakaramdam ng ganito simula noong musmos pa lamang siya hanggang sa kaniyang paglaki. Ngunit hindi niya ito inalinta bagkus ay lumaki siya na buong tapang at lakas na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga Paa at maghanap buhay hindi para tumulong sa mga kinagisnan niyang magulang kundi ay matuto siya sa buhay na makipagsapalaran. Hanggang sa nakilala niya si Mr. Paul Simoun Del Valle na isang professor, guidance counselor at may ari ng university na pinapasukan ni Lucas. mabait ang pakikitungo nito sa kaniya at laging gumagaan ang loob ni Mr. Paul kay Lucas sa tuwing nagkikita at nag uusap sila. Hindi nila alam pareho na sila ay tunay na mag ina/ama... Ngayon na nagkita muli sila, paghihiwalayin pa ba ulit sila ng tadhana? makukumpleto pa ba kaya sila bilang isang masayang pamilya? May hinanakit ba si Lucas sa kaniyang mga tunay na magulang? May pag asa pa bang bumalik ang mga ala-ala ni Mr. Paul Simoun?All Rights Reserved