Nagpatuloy kami sa paglalakad sa kahabaan ng palengke at binisita ang mga stall ng mga tindero't tindera na naging kaibigan ko na sa loob ng limang taon kong pagtatrabaho sa bansa bilang isang arkitekto. Lahat sila, nagtatanong kung sino ang kasama ko. Pareho naman kami ng sinasagot-puuan (magkaibigan)-na para bang pinagpraktisan namin ang isasagot. "Magkaibigan lang ba talaga?" tukso ko sa kaniya. "'Yan nga rin ang gusto kong itanong sa 'yo. Ano nga ba talaga?" "Puuan puuan ..." Bakas ang hinanakit sa mukha niya. "Oow-kee."All Rights Reserved