BLURB: Nagulantang ang lahat nang mabalitaang nawawala ang sikat na veterinarian na si Doc Samuel Swoul. Walang makapagtuturo. Walang makapagsasabi kung buhay pa ba ito o patay na. Alam ni Erika Zambales sa kanyang puso, buhay pa ang kanyang kaibigan na si Sam. Hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatunayang wala na talaga ito. Na patay na. Dahil isang hunter din si Sam, malaki ang kutob ni Erika na may matatagpuan siyang ebidensiya sa kagubatang pinuntahan nito, kung saan pinaghihinalaan nandoon nawala ang binata. Nag-leave si Erika sa trabaho para lang hanaping mag-isa ang nawawalang kaibigan. Doon, sa naturang kagubatan, isang kaibigan ang kanyang natagpuan-isang puting lobo. Ito ang naging kausap at kasama niya sa kagubatang iyon. Hindi niya ramdam ang takot o bagot dahil nakahanap siya ng totoong kakampi. 'Rap' ang ipinangalan niya rito. Ngunit isang araw, may dumating na mga masasamang hunter. Hinuli nila si Rap at kakatayin. Dahil sa pangyayaring iyon, isang rebelasyon ang nahayag. Ang kaibigan na hinahanap ni Erika ay lumabas na. Buhay si Samuel, ngunit nasa panganib. Matatapos na ang alulong ni Rap, sisimula na ang mga halakhak ni Samuel. Kailangan nilang makatakas, hindi lang sa mga masasamang hunter, kung hindi pati na rin sa sumpa na iginawad ng bruha kay Samuel Swoul. Paano kaya kung ang puting lobo at si Samuel ay iisa?All Rights Reserved