It actually started with a promise, our love story, I mean. Seryoso siya noong sinabi niya 'yun. Seryoso siya na gusto niya akong pakasalan but that was seven years ago. It also means that we're just 10 years old that time. Kahit sino'ng makarinig na matanda o adult ay siguradong tatawanan lang siya at hindi papaniwalaan. Pero pa'no kung after seven years, hindi pa rin nagbabago ang stand niya? Paano kung gusto niyang panindigan ang promise niya at tuparin 'yon? Napakakumplikado talaga ng sitwasyon ko. Ang isa pang dahilan kung bakit kumplikado ay dahil sa kundisyon ko. Nagka-amnesia ako at 'di ko maalala 'yung taong nangako sa akin. Sino ba kasi siya?