Isang araw ay may nakita si Isobel na estranghero sa ilog at muntikan na niya itong naitak. Kalaunan ay natuklasan niyang ito pala si Keith Rodriguez, ang bagong may-ari ng lupain ng kanyang pamilya. Isa iyong world-renowned chef and entrepreneur. Hindi sila magkasundo dahil nayayabangan siya sa lalaki. Pero sa kung anong dahilan ay natagpuan niya ang sariling pinaglalabanan ang mga sumibol na damdamin at init para sa lalaki. Hindi niya kayang pigilan ang sarili pagdating kay Keith. Hindi pa nagtagal ay umaasa na siyang magiging sila kahit walang maipangako ang lalaki sa kanya. At dahil dito, naisipan niyang pikutin ang lalaki. Kompiyansa siyang hindi naman ito magagalit nang husto sa kanya at matututuhan siyang mahalin kahit paano pero nagkamali siya. Nangako ang lalaki na pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya rito.
19 parts