Woman-hater o misogynist ang bansag ng kapatid at mga pinsan ni Adrion sa kaniya. Hindi na kasi mabilang ang mga babaeng nagpakita ng motibo sa kaniya na tinanggihan at binale-wala lang niya; bulaklak man ng lipunan, kapwa niya celebrity, fans, kasosyo o anak ng kaibigan ng Mommy niya na isinalang ng mga ito sa blind date, lahat ay umuwing luhaan.
Wala siyang time at busy siya sa career niya sa Entertainment Industry, iyon ang lagi niyang nirarason kapag hinihimok uli siyang makipag-blind date ng mga ito. In sooth, at the age of twenty-nine, hindi naman talaga siya misogynist, he does not feel even a tiny hatred and distrust of women. Ayaw lang niyang paasahin o masaktan ang damdamin ng mga ito. Alam niya kasi sa sarili na kahit magbigay pa siya ng chance, hindi pa rin siya magkakagusto sa mga ito. Iyon ay dahil nakakulong pa siya sa nakaraan; he was still in the love in the past.
Pinagbigyan niya ang kaisa-isang babaeng pinsan sa kahilingan nito sa kaniya noong kaarawan nito. Makikipag-blind date siya sa pinili nitong babae. Ang hindi inaasahan ni Adrion, mas lalo palang daragdagan ng kaganapang iyon ang kandado ng hawlang matagal na niyang kinalalagyan.
HACIENDA VELAYA SERIES 2:
LOVE IN THE PAST
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this work. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.