Lucky, Im inlove with my Bestfriend
25 parts Ongoing This is a GxG Story! ☺️
"Gyle, ano ba!?" sabay hablot ko ng kamay ko dito, galing kami sa isang bar sa BGC at itong magaling kong kaibigan kung makahila sa akin akala mo wala akong feelings para masaktan sa paraan ng pag-hila nya, at talagang galit pa ito ng lingunin ako. "Umuwi na tayo." malamig na sambit nito. " Hindi pwede. may date pa ako, at tsaka diba kasama mo naman si zayne? uuwi naman ako eh. pero nag e-enjoy pa ako sa company nung kadate ko. kaya pls lang my friend, hayaan mo muna ako. ok?" maayos kong pakiusap dito, dahil lango na rin ako sa impluwensya ng alak ay hindi ko na iniintindi ang nagpupuyos na galit nito sa akin na hindi ko malaman kung ano na naman ang dahilan. " seryoso kaba maui? nag-eenjoy ka!? bakit hindi ko makitang komportable ka sa taong yun! bakit hindi ko makitang masaya ka sa pag-hawak at pagdikit nya sayo! ano bang klaseng enjoyment yang sinasabi mo ha maui, yun ba yung papayag ka na ikama ka nung nakakabwisit na lalaking yun ha!?" isang malakas na sampal ang natanggap nito mula sa akin. Sunod ng mabilis na pagtulo ng mga luhang kanina pa nya pinipigilan. "Wag kang umaktong parang concern na concern ka sa mga disisyon ko kung sino at anong klaseng lalake ang bibigyan ko ng atensyon at panahon ko. pls lang gayle, hayaan mo akong lumaya sayo. Pagod na ako! at kung magkakaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang sarili ko sa isang tao. wala ka ng pakealam doon! Magkaibigan lang tayo. Sana alam mo parin ang lugar mo, kagaya ng sinabi mo sa akin noon. " Malamig kong bigkas dito at tsaka kumawala sa pagkakahawak nito at pumara ng taxi pauwi sa condo nya.