Parang aso't pusa na nagbabangayan sina Demi Neigh at Manick sa tuwing sila ay nagkakatagpo. Si Demi ay isang mabait na ampon ng matandang mag-asawa na naninirahan sa isang munting kubo malayo sa bayan.Si Manick naman ay isang sutil anak ng mag-asawang itinuturing na isa sa mga pinakamayaman sa kanilang Lugar. Nagkaroon ng pagkakataong sila'y magkasama sa iisang sasakyan na hinarang ng mga bandido at hinostage sila. Pinahirapan at pinaglaruan sila ng mga ito. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay nagkahiwalay silang dalawa. Dinala si Manick ng kanyang mga magulang sa ibang bansa upang ipagamot at makalimutan na rin ang masamang karanasang yun without knowing na nagbunga ang minsan nilang pagtatalik ni Demi na kagagawan ng mga kumidnap sa kanila.Pagkalipas ng sampung taon ay muli silang nagkita. Paano haharapin ni Demi ang binatang lagpas-langit ang pagkasuklam sa kanya? Paano nya ipakikilala ang anak sa ama nitong masahol pa sa demonyo ang kasamaan? At paano pakikitunguhan ni Manick ang syam na taong gulang na batang mas masama pa sa kanya noong kanyang kabataan? May pag-asa pa kayang mabuo silang pamilya sa dami na ng mga nangyari sa loob ng sampung taong nakalipas?All Rights Reserved