The Promise In Every Lifetime

The Promise In Every Lifetime

  • WpView
    Reads 85
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 6
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Tue, Jun 13, 2023
Isa sa limang mundong umiiral ang Karimlan kung saan matatagpuan ang mga nilalang na tinatawag na demonyo. Nasa dugo na nila ang kasamaan at maghasik ng lagim kaya sila kinatatakutan ng mga mortal at kalaban ng mga diwata at diyos. Ngunit sino ang mag-aakala na sa kabila ng kasamaang nanunumbalik sa mundong ito ay mayroong mga demonyo na hindi tuluyang kinain ng kadiliman? Nakatira ang mga demonyong ito sa isang nayon, at sa nayon na ito lumaki ang duwenpreng si Lila. Nagtagpo ang landas nila ni Aquires nang bigla na lang bumagsak sa kanya ang lalaki mula sa himpapawid sa labas ng kanyang bahay. Wala itong malay. Inakala pa niyang isa itong demonyong manok dahil sa pagkakahawig ng mga pakpak nito sa kanyang paboritong pagkain. Hindi niya alam na ang lalaking kanyang pinatuloy at inalagaan ay ang natitirang Ginintuang Agila na siya ring Diyos ng Digmaan. Ang dating mapayapang buhay ni Lila ay tuluyang magbabago habang unti-unting nabubunyag ang tunay niyang katauhan. Ang landas nilang dalawa ay naitali na sa isa't isa. Sa iba't-ibang mundo at buhay, paulit-ulit silang magkikita, maghihiwalay, at magdurusa. *** Genre: Fantasy-romance Language: Filipino Date Started: 5/29/2023 Date ended:
All Rights Reserved
#240
war
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Immortal Destroyer: Li Clan [Volume 1] | COMPLETED | Published on AMAZON
  • Diabolic | #Wattys2021
  • Close your eyes, Hermosa ✔
  • Back To Life Again
  • I Cultivated as the Devil: Vol. 3 [COMPLETED]
  • SAMARA: THE LAST VAMPIRE ( Completed Story)
  • AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
  • THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓
  • Amari [Tagalog]
  • Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]

Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang ginaganap sa kapwa nila kaharian. Ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom, ang mga kahariang ito ay hindi kailanman uurong sa kanilang mga pansariling layunin at hinding-hindi kailanman makikita ang kanilang sarili na nasa ilalim. Sinasabing ang paglitaw ng Lungsod ng Dou na nagdudulot ng kapayapaan sa mga lupaing ito hanggang sa mga araw na ito dahil sa Kasunduan ng apat na kaharian na ito. Ngunit hanggang kailan magiging mabisa ang isang kasunduan o paano mas masusuportahan ng kapirasong kontrata na ito ang paparating na mga digmaan na gagawin ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian kung ganid ang nananaig sa kanilang mga puso? Sa edad na anim, napagtanto ng batang si Li Xiaolong ang hirap ng kanilang buhay dulot ng masama at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sumasakop sa kanilang angkan na Li Clan. Ito ay usap-usapan na ang kanilang Li Clan sa nakaraan ay nagpapagalit sa kanila ng Sky Flame Kingdom at hanggang ngayon ay nananatiling hindi nalutas na nagresulta sa ilang mapangwasak at kasawian ng Li Clan sa mga kamay ng kahariang ito. Ang Li Clan ay itinuturing na isang progresibong angkan sa nakaraan. Ang pagkakaroon ng ilang mahusay na tagumpay at pundasyon sa mga lupaing iyon na naninirahan sa mga progresibong angkan ngunit ngayon ay itinatapon sila sa mababang uri ng lupain sa Green Valley kung saan kailangan nilang magsimulang mabuhay muli at magpatuloy sa kanilang sariling pamumuhay. Ang sinasabi noon na nasa masaganang buhay ay nakabaon na sa nakaraan. Makakaligtas kaya sila sa kamay ng matataas na opisyal ng Sky Flame Kingdom kung sila ay mismo ay nananatiling mahina?

More details
WpActionLinkContent Guidelines