Boy's Love/ Male to Male Story Kung paiiksiin ang paglalarawan sa kanya, 'BAD BOY' para sa 'kin si Jude. Pero hindi siya most hated, kahit iyong mga ex niya ay kabiruan at kaibigan pa rin niya. Para siyang si Mr. Friendship na sa bawat kanto at sulok may babating kaibigan. Hindi ko naman siya kinaiinisan dahil bihira ko naman siyang makita, 'curious' lang ako sa kanya at sa mga tao sa paligid niya. Pero hindi ko naman inaasahan na pati pala ako ay plano niyang guluhin, at sa panggugulo niyang 'to at panliligaw kuno ay alam kong dala lang ng pagiging mapang-trip niyang tao, sinasakyan ko siya dahil hindi ako magpapatalo sa kanya. Pero hanggang saan ba ito? Masyadong masaya ang takbo ng biyahe, nakakatakot iyong kasiyahan na parang gusto kong bumaba kahit hindi pa ito ang tamang babaan.