Bakit nga ba natin ginagawa ang isang bagay? Dahil ba trip lang? Dahil ba bored? Napipilitan o dahil, wala lang? Kahit ano pa man ang dahilan nyan, isa lang ang importante. Yun ay ang masaya ka sa ginagawa mo. Kung saan wala kang inaapakang ibang tao, basta namumuhay ka nang maayos at alam mo kung ano ang mali at tama, alam mo ang mga bagay na dapat at hindi gawin. Malalaman mo lang naman na mahal mo ang isang bagay kapag masaya ka sa ginagawa mo. At ang pagmamahal na iyan ang magdadala sayo sa pinaka-masayang pangyayari sa buhay mo. Kailangan mo lang mag-take the risk, kailangan mong sumugal. Hanggang kailan mo nga ba kayang ipaglaban ang kaligayahan mo? Kaya mo ba itong isuko dahil lang sa komento ng ibang tao? O kaya mo itong ipagpatuloy hanggang sa abot ng makakaya mo?All Rights Reserved