Naramdaman mo na bang mag mahal ng isang kaibigan? As in sa matalik mong kaibigan? Ang hirap ano? Lalo na kung ang tingin nya lang sa'yo, tropa, kapatid, at higit sa lahat lalaki kung ituring. Ni hindi mo nga alam kung ano ang kapalit ng pagmamahal mo sakanya once na nasabi mong mahal mo siya. Maaaring mahal din kita! Pero... bilang kaibigan lang. O di naman kaya, Mahal din kita, Higit pa sa inaakala mo. Pero kung iisipin nakakatakot pa rin malaman no? Kasi baka ang sabihin bilang kaibigan lang. Masakit kasi yun e! Tapos may mga times pa na kapag nalaman na mahal mo siya, ang iba umiiwas na parang wala ng pinagsamahan. Pero ang iba, okay lang. Pero ang turing pa rin sayo... KAIBIGAN. Ang sarap siguro sa feeling na mahal mo siya, mahal ka niya, mag best friend kayo at ang ending kasalan na. Haaay. Tanggap niya kaya ako kahit hindi ako yung tipo nyang babae?
"Love is friendship that has caught fire. It is quiet understanding, mutual confidence, sharing and forgiving. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses." - Ann Landers